- All
- Pinnacle Sports Betting
- PBA News 2024
- All PBA Results
- Mga 2023 PBA Basketball
- Boxing Mga Prediksyon
- Sport na Online Sabong
- Mga 2023 FIBA World Cup Qualifiers
- Mga Football Player Information
- Mga gabay sa Sports Betting Online
- Mga Betting Terms Wikipedia
- Mga 2022 PBA Basketball
- FIFA World Cup Sa 2022
- NBA News 2024
2023 PBA Gov's Cup San Miguel, Converge, NLEX nangunguna sa ikalawang linggo
Ang San Miguel Beermen, Converge FiberXers, at NLEX Road Warriors ay nagbahagi ng nangungunang pwesto pagkatapos ng dalawang linggong laro kung saan ang lahat ng koponan ay mayroong 4-0 panalo-talo na rekord.
Ang nangungunang tatlong walang talong koponan ay sinundan ng naghaharing kampeon, ang Barangay Ginebra San Miguel, na may 1-0 rekord. Ang Meralco Bolts at ang TNT Tropang Giga ay kasalukuyang nagtabla para sa ikalima at ikaanim na pwesto na may magkaparehong 3-1 na rekord.
Nasa pang pito ay ang TerraFirma Dyip na may 1-2 rekord at ang umiikot pataas sa nangungunang walong koponan ay ang Blackwater Bossing sa 1-3. Ang Phoenix Super LPG Fuel Masters ay nanatiling na sa ikasiyam na pwesto na may 1-4 rekord samantalang ang Magnolia Hotshots, Rain or Shine Elasto Painters, at ang NorthPort Batang Pier ay nakatayo sa ilalim na wala pang panalo.
Bagama't ang estado ay paniguradong magbabago pa sa paglipas ng panahon, narito ang pagbabalik tanaw ng pangalawang linggo ng 2023 PBA Governors' Cup.
Pagbabalik tanaw sa 2023 PBA Gov's Cup PBA Recap: TNT Tropang Giga laban sa NLEX Road Warriors
Ang NLEX Road Warriors ay halos hindi nakatakas sa TNT Tropang Giga, 110-108, para ibigay sakanila ang kanilang kauna unahang pagkatalo. Ang pumasok na NLEX Road Warriors na si Jonathon Simmons ay pumutok para sa doble-dobleng pagganap na may 45 puntos at 12 na buwelta para mapanatiling malinis ang kanilang rekord sa kanilang panalo.
Si Sean Anthony ay may 15 na puntos at anim na buwelta habang ang kapitan na si Kevin Atlas ay nag-ambag ng 13 na puntos. Si Anthony Paul Semerad ay nagkaroon ng 10 na puntos at walong buwelta para tapusin ang mga lokal na umiskor ng dobleng numero.
Para sa panig ng TNT Tropang Giga, ang pumasok na si Jalen Hudson ay nagkaroon ng doble-dobleng pagganap na may 39 na puntos, 10 buwelta at limang tulong para pangunahan ang kanyang koponan sa pagkatalo. Para sa mga lokal, si Roger Pogoy ay nagkaroon ng 21 na puntos habang si Glenn Khobuntin at William Jayson Castro ay umiskor ng tig 10 na puntos.
Pagbabalik tanaw sa 2023 PBA Gov's Cup PBA: Blackwater Bossing laban sa San Miguel Beermen
Ang San Miguel Beermen ay pinanatiling malinis ang kanilang rekord pagkatapos matalo ang Blackwater Bossing, 105-86. Pinatunayan ni Jericho Cruz ang kanyang kinang ng siya ay umiskor sa koponan ng mataas na 22 puntos habang ang pumasok na si Cameron Clark ay nagkaron ng 20 na puntos at siyam na buwelta.
Si June Mar Fajardo ay nagtala ng panibagong doble-dobleng pagganap na may 17 na puntos at 16 na buwelta habang si Jaymar Perez at Marcio Lassiter ay may pinagsamang 27 na puntos.
Samantala, ang Blackwater Bossing na pumasok na si Shawn Glover ay nalimitahan ng 16 na puntos at 12 na buwelta. Si Joshua Torralba ay nagkaroon ng 11 na puntos habang si RK Ilagan ay nag-ambag ng 10 marka. Sina Tyrus Hill, Yousef Taha at Gabriel Banal ay umiskor ng tig-walong puntos ng madulas sa pang-walong puwesto na may 1-3 na rekord.
Pagbabalik tanaw sa 2023 PBA Gov's Cup PBA: Rain or Shine Elasto Painters laban sa Converge FiberXers
Ipinagpatuloy ng Converge FiberXers ang kanilang walang talo laban sa Rain or Shine Elasto Painters, 112-98. Ang pumasok na si Jamaal Franklin ay nagkaroon ng pambihirang triple-doble na may 25 na puntos, 13 na buwelta at 15 na pagtulong habang si Justin Arana ay nag-ambag ng 21 na puntos at walong buwelta.
Ang kapitan ng koponan na si Jeron Teng ay umiskor ng 17 na puntos habang ang mga nagsisimulang sina Jerrick Balanza, Abu Tratter, at Alec June Stockton ay nagsama-sama para sa 33 na puntos.
Para sa panig ng Rain or Shine Elasto Painters, ang pumasok na si Michael Qualls ay nagiisang may malinaw na pwesto na may 34 na puntos at siyam na buwelta. Si Rey Nambatac ang tanging lokal na manlalaro na umiskor ng dobleng numero na may 16 na puntos at anim na tulong.
Pagbabalik tanaw sa 2023 PBA Gov's Cup PBA: Phoenix Super LPG Fuel Masters laban sa NorthPort Batang Pier
Ang Phoenix Super LPG Fuel Master ay nagtala ng kanilang unang panalo laban sa walang panalong NorthPort Batang Pier, 108-97. Ang pumasok na si Du'vaughn Maxwell ay nagkaroon ng doble-dobleng pagganap na may 26 na puntos at 11 na buwelta habang si Jasayon Perkins ay nagdagdag ng 26 na puntos at pitong buwelta.
Ang kapitan ng koponan na si Rj Jazul ay umiskot ng 16 na puntos habang si Sean Manganti ay nagkaroon ng 13 na marka. Si Tyler Tio ay nilimitahan ng 33% na kahusayan sa pagtira.
Para sa NorthPort Batang Pier, ang pumasok na si Marcus Weathers ay nagkaroon ng 31 na puntos at siyam na buwelta . Si Michael Kent Salado ay nagkaroon ng 15 na puntos habang si Arthur Dela Cruz Jr. ay nag-ambag ng 12 na puntos.
Pagbabalik tanaw sa 2023 PBA Gov's Cup PBA: Magnolia Chicken Timplado Hotshots laban sa TNT Tropang Giga
Pagkatapos ng kanilang pagkatalo sa NLEX Road Warriors, ang TNT Tropang Giga ay mabilis na nakabangon ng matalo nila ang Magnolia Chicken Timplado Hotshots, 93-85. Si Roger Pogoy ay umiskor sa koponan ng mataas na 20 puntos habang ang pumasok na si Michael Williams, Jalen Hudson, at Calvin Oftana ay nagkaroon ng tig 14 na puntos.
Ang kapitan ng koponan na si Kelly Williams ay umiskor ng 11 na puntos at pitong buwelta habang ang matagal ng miyembro ng Gilas Pilipinas na si William Jayson Castro ay nagkaroon ng siyam na puntos.
Para sa Magnolia Chicken Timplado Hotshots, si Paul Lee ay umiskor ng 24 na puntos at pitong buwelta habang ang pumasok na si Erick Mccree ay nilimitahan ng 12 na puntos at 16 na buwelta. Si Calvin Abueva ay umiskor din ng 12 na puntos habang si Jio Jalalon ay nag-ambag ng 10 na puntos.
Pagbabalik tanaw sa 2023 PBA Gov's Cup PBA: San Miguel Beermen laban sa Terrafirma Dyip
Ang San Miguel Beerman ay giniba ang Terrafirma Dyip, 122-102. Ang pumasok na si Cameron Clark ay nagkaroon ng iba pang doble-dobleng pagganap na may 31 na puntos at 14 na buwelta habang si Jaymar Perez ay nagkaroon rin ng doble-dobleng pagganap na may 20 puntos, 11 na buwelta at anim na tulong.
Si Moala Tautuaa ay halos nagkaroon rin ng doble-doble na may 17 na puntos at walong buwelta habang si Allyn Bulanadi ay nag-ambag ng 14 na puntos.
Para sa Terrafirma Dyip, ang pumasok na si Jordan William ay nagkaroon ng 30 na puntos at walong buwelta habang si Juami Tiongson ay nadagdagan ng 20 na puntos at apat na buwelta. Si Eric James Camson ay nagkaroon ng 18 na puntos at walong buwelta habang ang kapitan ng koponan na si Alex Cabagnit ay umiskor ng 10.
Pagbabalik tanaw sa 2023 PBA Gov's Cup PBA: Meralco Bolts laban sa Blackwater Bossing
Mabilis na tinapos ng Meralco Bolts ang Blackwater Bossing, 125-99.Ang beteranong si Allen Maliksi ay nagkaroon ng 30 na puntos habang ang pumasok na si KJ McDaniels ay nilimitahan ng 24 na puntos, 15 na buwelta at walong tulong.
Si Norman Aaron Black ay nag-ambag ng 19 na puntos at pitong tulong habang si Antonio Jose Caram ay nagkaroon ng 18 na marka. Si Chris Newsome, na napabalitaan na ipapalit sa Barangay Ginebra San Miguel, na umiskor ng 12 na puntos.
Para sa Blackwater Bossing, ang pumasok na si Shawn Glover ay nilimitahan lamang ng 20 na puntos at pitong buwelta habang si RK Ilagann ay umiskor ng 15 na puntos, pitong buwelta at limang tulong. Ang mga nagsisimulang sina Baser Amer, JVee Casio at Jeth Troy Rosario ay may pinagsama-samang 38 na puntos.
Pagbabalik tanaw sa 2023 PBA Gov's Cup PBA: NLEX Road Warriors laban sa Phoenix Super LPG Fuel Masters
Nakatakas ang NLEX Road Warriors sa Phoenix Super LPG Fuel Masters, 98-94. Ang pumasok na si Jonathan Simmons ay nagpasabog para sa 38 na puntos at pitong buwelta habang si Anthony Semerad ay nagtala ng 16 na puntos at pitong buwelta.
Si Brandon Ganuelas-Rosser ay nagkaroon ng 14 na puntos at anim na buwelta, habanf si Celedonio Trollano ay umiskor ng 11 na puntos at pitong buwelta.
Para sa Phoenix Super LPG Fuel Masters, ang pumasok na si Du'vaughn Maxwell ay nagkaroon ng ibang doble-dobleng pagganap na may 25 na puntos, 11 na buwelta at pitong tulong sa isang talo. Si Jason Perkins ay nagkaroon rin ng doble-doble na may 17 na puntos at 13 buwelta habang ang kapitan na si RJ Jazul ay nag-ambag ng 13 na puntos.
Pagbabalik tanaw sa 2023 PBA Gov's Cup PBA: Barangay Ginebra San Miguel laban sa Rain or Shine Elasto Painters
Matapos ang dalawang linggong pahinga, ang naghaharing kampeon na Barangay Ginebra San Miguel ay nagkaroon ng mainit na umpisa nang kanilang talunin ang Rain or Shine Elasto Painters, 116-108. Si Justin Browniee ay nagkaroon ng triple-dobleng may 29 na puntos, 10 buwelta at 11 na tulong habang si Japeth Aguilar ay nagdagdag ng 18 na puntos.
Si Scottie Thompson ay nagtala ng 15 na puntos, walong buwelta at limang pag-agaw habang si Jamie Malonzo at si Stanley Pringle ay umiskor ng tig 14 na puntos. Si Nard John Pinto ay umikot pataas sa mga lokal na umiskor ng dobleng numero na may 12 na puntos.
Para sa Raim or Shine Elasto Painters, ang pumasok na si Michael Qualls ay nilimitahan ng 23 na puntos at limang buwelta. Si Beau Belga na umiskor ng 21 na puntos habang si Rey Nambatac at James Yap ay may pinagsamang 29 na puntos.
Pagbabalik tanaw 2023 PBA Gov's Cup PBA: San Miguel Beermen laban sa Magnolia Chicken Timplado Hotshots
Sa laban ng magkapatid na koponan, ang San Miguel Beermen ay halos nakatakas sa Magnolia Chicken Timplado Hotshots, 100-98. Nagawa ni Calvin Abueva na bawasan ang kakulangan sa dalawa, may natitira pang 18 na segundo sa ikaapat na kwarter ngunit nakaligtaan ni Paul Lee ang kanyang ang kanyang tatlong puntong pagtira.
Ang pumasok na si Cameron Clark ng San Miguel Beermen ay nagkaroon ng panibagong doble-doble na may 19 na puntos at 10 na buwelta habang si Marcio Lassiter ay umiskor ng 18 na puntos. Si Jaymar Perez ay nagkaroon ng 17 na puntos at anim na buwelta habang si June Mar Fajardo ay nagtala ng doble-doble na may 16 na puntos at 10 na buwelta. SI Jericho Cruz at Simon Enciso ay may pinagsamang 25 na puntos.
Para sa panig ng Magnolia Chicken Timplado Hotshots, Muling pinangunahan ni Paul Lee ang koponan na may 19 na puntos habang si Jio Jalalon ay umiskor ng 17 na puntos at pitong buwelta. Ang pumasok na si Erik Mccree ay nilimitahan ng 13 na puntos at walong buwelta habang ang kapitan ng koponan na si Andy Marl Barroca ay nagkaroon ng 13 na puntos at pitong tulong.
Pasilip sa laro: Manila Classico, at ang linggong talaan
Sa ikatlong linggo ng 2023 PBA Governor's Cup, ang Barangay GInebra San Miguel ay hahabol sa tatlong laro sa loob ng limang araw, sa pagtatapos ng linggo kasama ang Manila Classico sa kanilang pagharap sa Magnolia Chicken Timplado Hotshots sa Linggo, pagkatapos ng paghaharap ng Rain or Shine Elasto Painters sa Blackwater Bossing.
Sa Miyerkules, ang Converger FiberXers ay susubukang panatilihin ang kanilang malinis na rekord sa pagharap nila sa TNT Tropang Giga. Ang laro ay susundan ng laban ng NLEX Road Warriors at Barangay Ginebra San Miguel.
Sa Martes, ang Blackwater Bossing ay haharap sa Terrafirma Dyip, susundan ng laban ng Meralco Bolts-San Miguel Beermen.
Sa Biyernes, ang Magnolia Chicken Timplado Hotshots ay haharap sa Phoenix Super LPG Fuel Masters, susundan ng laro sa gitna ng Barangay Ginebra San Miguel at Northport Batang Pier.
Sa Sabado, ang Terrafirma Dyip ay haharap sa TNT Tropang Giga, susundan ng laban sa gitna ng dalawang wala pang talong koponan, ang San Miguel Beerman at ang Converge FiberXers.
Ang EsballPH ay ang pinakamahusay na laro ng slot online casino sa Pilipinas.
Pagkatapos mag-log in, maaari mong tangkilikin ang new member register free 100 ngayon.
Simula sa 2024, maaari kang makakuha ng 100 free bonus casino no deposit philippines.
Bilang karagdagan, mayroon kaming iba pang mga diskwento at mga hangganan na naghihintay para sa iyo na mag-claim kaagad.
You can also click to enter the Online Casino Bonus & free 200 promotion introduction, which provides more diverse casino bonuses.