- All
- Pinnacle Sports Betting
- PBA News 2024
- All PBA Results
- Mga 2023 PBA Basketball
- Boxing Mga Prediksyon
- Sport na Online Sabong
- Mga 2023 FIBA World Cup Qualifiers
- Mga Football Player Information
- Mga gabay sa Sports Betting Online
- Mga Betting Terms Wikipedia
- Mga 2022 PBA Basketball
- FIFA World Cup Sa 2022
- NBA News 2024
Laban sa boksing ng taon kasama si Manny Pacquiao laban kay Marquez
Sa karamihan ng tunggalian sa boksing, kadalasan ay mayroon kang makikitang malinaw na ideya sa pagtatapos kung sino ang mas magaling, gayunpaman, sa ilang pambihirang pagkakataon, ating nasasaksihan ang sagupaan sa pagitan ng dalawang hindi kapani paniwalang mga kampeon, ito ay napaka epiko na kahit pagkatapos ng apat na laban, hindi mo matitiyak kung sino ang mas mahusay na manlalaban.
Ito ang kaso ng propesyonal na tunggalian sa pagitan ng kampeon na FIlipino na si Manny Pacquiao at ang Meksikanong mandirigma na si Juan Manuel Marquez. Ang kwento nina Pacquiao at Marquez ay isa sa mga matigas, may determinasyon at walang humpay na pagnanasa, iasng kwento ng dalawang manlalaban na naging simbolo ng kahusayan sa isports at habang buhay na maaalala bilang dalawa sa pinakamhusay na boksingero ng buong panahon.
Ang mapagkumpitensiya at kawili wiling laban sa boksing
Lahat ng apat na laban sa pagitan ni Pacquiao at Marquez ay napaka mapagkumpitensiya at kawili wili, marahil dahil sa kanilang istilo sa pakikipaglaban. Parehong si Pacquiao at Marquez ay mayroong agresibong istilo ng pakikipaglaban na pumupuri sa isa't isa.
Sa kabilang banda, mayroon kang si Pacquiao, isang agresibong southpaw na boksingero na walang humpay na pressure-fighting na istilo. Si Pacquiao ay kilala sa kanyang pasabog na kombinasyon at mapanirang kaliwang hook, na nakapagpabagsak sa kanyang malalaking kalaban.
Sa kabilang banda, si Juan Manuel Marquez ay isang hindi kapani paniwalang counter-puncher na may napakatalinong depensa sa laro at isang granite chin. Ipinaloob niya ang Meksikanong istilo ng pakikipaglaban at ginamit ang mapanirrang body shots para mapabagal ang kanyang mga kalaban.
Ang kombinasyon ang walang humpay na pagsalakay ni Pacquiao at surgical counter-punching ni Marquez ay gumawa ng mga ilang hindi malilimutang laban sa kasaysayan ng boksing, nagpakita ng kapana panabik na pinaghalong kasanayan, kapangyarihan at puso.
Ang kontrobersyal na Draw
Si Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez ay nagharap sa isa't isa sa unang pagkakataon noong Mayo taong 2004 kung saan si Pacquiao ay isang napakalaking bituin at nagkaroon na ng mga titulong panalo sa mundo sa tatlong kmga klase ng timbang. Hawak niya ang Ring Featherweight na titulo a mundo, at si Marquez ay dinidepensahan ang kanyang Unified WBA at IBF na mga titulo.
Sa kanilang unang pagkikita, si Pacquiao ay mayroong hindi kapani paniwalang umpisa,napatumba niya si Marquez ng tatlong beses sa ikaunang round. Gayunpaman, si Marquez ay nakaligtas sa unang pagsalakay, at nagrally sa mga sumunod na mga rounds, nagpamalas ng kanyang teknikal na talino at counter-punching na kakayahan.
Ang laban ay idineklarang kontrobersyal na draw sa huli, kung saan ang mga maagang pagtumba ni Pacquiao nabawi ng pangingibabaw ni Marquez ng mga sumunod na rounds.
Ang mga tagahanga, lalo na kay Marquez ay nagalit at sinabing si Pacquiao ay binigyang ng desisyon dahil siya ang mas sikat na manlalaban.
Ang epekto ng unang laban sa karera ni Pacquiao ay naghalo. Bagama't napatunayan na niya ang kanyang sarili bilang isang daynamiko at makapangyarihan na manlalaban, ang draw ay nagiwan sa mga tagahanga na nagtatanong ng kanyang abilidad na pumunta sa malayo laban sa mas teknikal na manlalaban.
Para kay Marquez, ang laban ay isang patunay ng kanyang kasanayan at puso, nakapagpatibay sa kanyang estado bilang isa sa mga pinaka magaling na boksingero sa kanyang henerasyon.
Ang magkahiwalay na desisyon
Makalipas ang 4 na taon, si Pacquiao at Marquez ay nagharap muli, sa pagkakataong ito sa Super Featherweight. Si Marquez ay hinawakan ang Super Featherweight na titulo, ma masa linya kasama ng bakanteng Ring Super Featherweight na titulo, na gumawa ng mataas na taya na laban.
Ang pangalawang laban ay mahigpit na pinagtatalunan, kung saan si Pacquiao ay nakakuha ng magkahating desisyon sa tagumpay. Sa pagkakataong ito, si Marquez ay mas naghanda para sa bilis at kapangyarihan ni Pacquiao, at ang laban ay nagpakita ng kanilang magkaibang istilo.
Buong ipinakita ni Marquez ang kanyang teknikal na talino, ng kanyang kontrahin ang mga atake ni Pacquiao ng may katiyakan at tiyempo. Parehong naputol ang dalawang mandirigma, at naglapag ng maraming tira, gayunpaman, ang ikatlong round na pagumba ay pumabor kay Pacquiao na kumuha sa kanya para manalo.
Ang ikalawang laban ay nagpatibay sa estado ni Pacquiao bilang isang umaangat na bituin sa mundo ng boksing. Natalo niya ang isang mabigat na kalaban kay Marquez at pinatunayan na kaya niyang makibagay sa iba't ibang istilo.
Bukod dito, siya ay naging tanging Filipino na manlalaban sa mundo na nanalo ng maraming mga titulo sa mundo sa 4 na klase ng mga timbang. Para kay Marquez, ang pagkatalo ay isang mapait na tableta na dapat lunukin, ngunit ito lamang ay nagbigay ng motibasyon sakanya na bumalik ng mas malakas sa kanilang susunod na pagkikita. Ipinakita niya ang kaniyang pambihirang teknikal na kasanayan at maging nagwagi ayon sa isang hurado.
Ang madramang desisyon ng mayorya
Ang ikatlong laban ay naganap noong Nobyembre ng taong 2011, sa pagkakataong ito sa welterweight, kung saan si Pacquiao ay dinidepensahan ang WBO Welterweight na titulo.
Ang ikatlong laban ay marahil ang pinakamadrama sa lahat, kung saan si Pacquiao ay nangibabaw sa ng maaga, para lang kay Marquez na makabalik ng mabangis sa huling kalahating laban. Sa pagtatapos, si Pacquiao ay nanalo sa desisyon ng mayorya, ngunit marami ang naniniwala na si Marquez ang karapat dapat sa tagumpay. Ang laban ay nagpakita ng kanilang hindi kapani paniwalang puso at determinasyon, sa bawat manlalaban na tumangging sumuko hanggang sa pagtatapos ng bell.
Ang laban na ito ay nagdala ng pagbabagp sa karera ng parehong manlalaro. Para kay Pacquiao, ito ay isang patunay sa kanyang katatagan at kasanayan na lumaban sa pamamagitan ng kahirapan.
Gayunpaman, ito rin ay naging marka sa kanyang pagbaba, ng siya ay nahirapan sa sunod sunod na pagkatalo sa mga sumunod na mga taon. Para kay Marquez, ang laban ay tanda ng kanyang mataas na kadakilaan, habang patuloy niyang hinihila ang kanyang sarili sa bagong pataas.
Ang knockout
Ang ikaapat at huling laban sa pagitan ng dalawang kampeon sa mundo ay panibagong saglit na klasiko. Parehong manlalaban ay nagpalitan ng tumba sa buong laban. Sa huli, si Marquez ang lumitaw sa tagumpay, naglapag ng nakakawasak na kanang kamay sa ikaanim na round na nagdala kay Pacquiao sa pagkabagsak.
Ang knockout ay isa sa pinaka nakakamanghang sandali sa kasaysayan ng boksing, nagpatibay sa legasiya ni Marquez bilang isa sa mga all-time greats ng isports.
Ang ikaapat na laban ay ang pagtatapos sa isang panahon ng parehong mga manlalaro. Para kay Pacquiao, ito ang nagmarka sa pagtatapos ng kanyang kasikatan, ng siya ay nahirapan na ibalik ang kanyang anyo sa mga sumunod na taon. Para kay Marquez, ito ang pinaka perpektong pagtatapos sa isang maalamat na karera, ng siya ay magretiro pagkatapos ng laban.
Laban sa boksing ng taon kasama si Manny Pacquiao laban kay Marquez
Ang Manny Pacquiao laban kay Marquez na tunggalian ay isa sa mga edad. Ang kanilang apat na laban ay nagpakita ng pinakamahusay sa parehong manlalaban at nagbigay ng ilang pinaka madrama na sandali sa kasaysayan ng boksing.
Kung tagahanga ka man sa kapangyarihan at bilis ni Pacquiao o teknikal na talino at kasanayan sa counter-punching ni Marquez, mayroong isang bagay para sa lahat ng kanilang mga laban.
Kahit hanggang ngayon, taon na pagkatapos ng kanilang huling pagkikita, ang tunggalian ay mananatiling matatag na simbolo ng kagandahan at pananabik sa isport na boksing. Walang kahit sino na malinaw na makakapagsabi kung sino ang mas magaling na boksingero, ngunit isa lang ang mapagkakasunduan nating lahat na parehong si Pacquiao at Marquez ay hindi kapani paniwalang mga manlalaban.
Ang EsballPH ay ang pinakamahusay na laro ng slot online casino sa Pilipinas.
Pagkatapos mag-log in, maaari mong tangkilikin ang new member register free 100 ngayon.
Simula sa 2024, maaari kang makakuha ng 100 free bonus casino no deposit philippines.
Bilang karagdagan, mayroon kaming iba pang mga diskwento at mga hangganan na naghihintay para sa iyo na mag-claim kaagad.
You can also click to enter the Online Casino Bonus & free 200 promotion introduction, which provides more diverse casino bonuses.